Add parallel Print Page Options

10 At (A)mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong (B)pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang (C)pahingahang dako ay magiging maluwalhati.

Muling titipunin ng Panginoon ang mga nangalat sa Israel.

11 At (D)mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa (E)Patros, at mula sa (F)Cus, at mula sa (G)Elam, at mula sa Sinar, at mula sa (H)Amath, at mula sa mga (I)pulo ng dagat.

12 (J)At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya (K)ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.

Read full chapter